ANG TANGING ALAY KO


I

   Salamat sa iyo,

   Aking Panginoong Hesus

   Ako'y inibig mo,

   At inangking lubos.


KORO

   Ang tanging alay ko sa 'yo aking Ama

   Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa

   Hindi makayanang mapagkaloob

   Mamahaling hiyas, 'ni gintong nilukob.


   Ang aking dalangin, O Diyos ay tanggapin

   Ang tanging alay ko nawa ay gamitin,

   Ito lamang Ama, wala ng iba pa

   Akong hinihiling.


II

   Di ko akalain

   Na ako ay binigyan pansin

   Ang taong tulad ko'y

   Di dapat mahalin.(KORO)


III

   Aking hinihintay

   Ang pagbabalik, Hesus

   Ang makapiling Mo'y

   Kagalakang lubos.(KORO)

19